Search Food Review Here:
Thursday, August 6, 2009
Dessert ng Kamay Kainan Kalayaan Branch
Kumain kami sa kamay kainan last july 18, 2009.. P300 Eat all you can syempre kaya lang di ako satisfied sa pagkain nila, ewan ko ba parang ordinary lang na lutong bahay at ang dessert nila ordinary lang din.. Wala talaga akong masasabi na may extra ordinary or special dun sa nakahain na pagkain nila.. siguro talagang ganun kasi nga naman eat all you can eh, paano nga naman sila kikita kung masasarap pagkain nila eh gaganahan ang kakain dun at mapapadami pa kain, konti na lang kikitain nila o dili kaya'y baka malugi pa..
Saturday, May 9, 2009
Batangas Bulalo - Rose and Grace Restaurant
Habang pabalik kami ng Manila galing sa Laiya, Batangas nagbalak yung boss namin na kumain na lang kami ng bulalo bilang pananghalian sa madadaanan naming bulalohan. At ang Rose and Grace Restaurant nga ang napili namin.
Masasarap ang pagkain nila lalo na ang bulalo na talagang sinadya namin dun matikman. Sabaw pa lang masarap na, lalo na ang laman napakalambot. Pati nga yung nasa loob ng buto kinutkot ng driver namin kasi yun daw talaga ang masarap sa bulalo.
pati ang simpleng tawilis ay napasarap nila at napakaganda ng presentation. Tinuhog nila ng kawayan na parang barbeque. sa totoo lang ayokong kumain nun kasi kala ko di masarap pero dahil nakita kong sarap na sarap yung mga officemates ko e tinikman ko na rin at totoo nga masarap ang tawilis kahit pinirito lang sya e napakalasa.
masarap din daw ang chopsuey kaya lang di ko tinikman di ako kumakain nun e kaya wala akong maipapakitang photo. Basta para sa akin lahat ng natikman ko sa Rose and Grace Restaurant masarap.

Sunday, May 3, 2009
Batangas Lomi - Katrina's Place
Habang papunta kami sa Laiya, Batangas dahil outing ng company namin, naisipan ng boss namin na kumain kami ng lomi ng batangas. Masarap daw kasi at namimiss na nya.. Dati daw kasi may project sila sa Sto. Tomas at palagi daw sya kumakain ng lomi dun.. Talaga daw masarap at gusto nyang ipatikim sa amin na hindi taga Batangas.. Naintriga naman ako kung anong klaseng lomi yun bat masarap.. Naghanap kami ng pwedeng makakainan at nakita namin ang Katrina's Place sa San Juan.
Umorder kami ng Lomi, nung time na bumiyahe kami e medyo umuulan kaya masarap kumain ng mainit na sabaw gaya nga ng lomi pero nung i serve na sa amin ang lomi nagulat ako kasi di madami ang sabaw, kaunti lang at ang noodles malalapad. Nung tinikman ko, hmmmm... MASARAP NGA! ibang-iba sa ibang lomi.. THE BEST! Pinakamasap sa lahat ng loming natikman ko.. Hindi ako mahilig sa Lomi pero na appreciate ko talaga ang sarap ng lomi ng Batangas.
Kaya pag bumiyahe kayo south at nadaan kayo sa Batangas, try nyo tikman ang lomi nila. MASARAP TALAGA PROMISE!
Ubos nga eh.. hehehe..

Subscribe to:
Posts (Atom)